Nakakairita yung puro nalang crush, love at romance yung nakikita mo sa isang blog. Mahahalata mo naman kasi kung may pinaghuhungutan o sadyang pa-cute yung dating.

You know what I mean? Yung mga jejemon yung dating na ewan? Yung mga paulit-ulit nalang? Yung akala mo proffessional sa “Love” eh kabata-bata pa? 

“Uy alam mo kuya? Parang tumataba ka”

Muntik na akong mag suicide dahil sa dialogue ng kapatid ko kanina.

Oo nga naman. 5 hours straight na ako dito sa computer sa araw-araw ngayong linggo. Hindi gumagalaw at puro lang upo. Pagkatapos pa kumain sa gabi, manunuod ng TV at dadalhin naman ang laptop habang nanunuod.

Gusto kong mag-sorry sa katawan ko. Oo na. Babawasan ko na ang oras sa kakatutok sa laptop simula bukas. Training ko na rin for College life.

Anonymous asked: bakit walang notes yung posts mo sa blog mo, tinatago mo?

Invisible ang notes sa blog ko kaya obviously tinatago ko.

  • Grades are the poorest bases of a student’s intelligence. Notes, also, are the poorest bases of a blogger’s ability.
  • To be honest, inconsistent yung notes na nakukuha ko. Minsan mataas, minsan mababa. Oo, kakasabi ko lang na hindi dapat gawing batayan ang “notes”. Pero kahit sabihin mo pang hindi ito tama, ito na ang naging tradition ng ibang bloggers dito.
  • Ayokong ma-follow/ma-unfollow ng dahil lang sa “notes”. Kung susundan man ako ng isang blogger, gusto ko na dahil sa paraan ko magsulat at magbahagi ng nararamdaman ko.

Period

Buti pa ang mga payatot madalas napagkakamalang “sexy”.
Kaming matataba? No no no no way!

Mas madali pang magpataba kesa magpapayat. How amazing is that? Life is just unfair. 

Si Kit pala ang natanggal kagabi.

Sorry sa mga fans. Very thankful naman ako kahit paano dahil natanggal na yung twin brother ko. Mababawasan ang mga trending na away sa dashboard tulad nalang ng away nila Clodet.

Salamat nga pala sa mga nag-inform sa akin ha. Hindi kasi ako nanuod :))

Looks sometimes compensate for attitude. Isa yan sa mga natutunan ko sa pananatili ni Kit sa bahay.

Never have sex with the person you don’t love

Time is really running out

  • Have I enjoyed my summer vacation?

Ugh yes? Pero napakarami ko pa yatang gustong gawin at mapuntahan. 2 weeks nalang at isa na akong College Student eh.

Pero hindi manlang ako nakalublob sa swimming pool. Hindi manlang ako naka-attend ng tumblr meet up sa buong bakasyon. Uhm.. Siguro nga hindi ko na-enjoy. :(

  • Am I ready for College life?

Huhuhu, iiyak na ako. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong na to! Handa na nga ba talaga ako?

Hindi pa kami nakakabili ng mga gamit para sa apartment at para sa school. Pero may mountain byke naman binili para sa akin. Pero it’s not about material things. It’s about being emotionally ready! Huhuhu. I really don’t know!

  • Natanggal na ba ang “internet addiction” ko?

OMG Hindi pa. Lumala pa yata lalo! :’(((

Gawin ko kayang BG MUSIC yung And I Am Telling You I’m Not Going nina Jennifer Holliday at Jessica? HAHAHA. 

feeling ko wala nang pupunta sa blog ko :))))))))

Ako lang ba ang na e-LSS sa commercial na to? Haha.

Dito kahit siksikan ang gaan. Dito mainit man ang gaan. Kaya ire-fresh ang katawan, Irefresh ang isipan…

Isa ito sa mga pinaka-ayaw kong makitang advertisement sa tuwing nanunuod ako ng TV. Ito yung may Ayaw ko in a sense na naiinggit ako sa mga tao.

At least sila nakapagbakasyon ngayong summer. Nainitan at naipit man sa siksikan, at least na-experience parin nila ang pumunta sa ibang lugar at i-enjoy ang mga araw na “walang work”. Nasulit nila ang baksyon at summer.

Eh ako? Heto, sa tumblr lang inilaan ang bakasyon. :(

Anonymous asked: sino-sino sa mga pakyukada ang nagfofollow sayo?

OMG. the buzz? tito boy?

sergeantpepperoni, masterjv, prinsipengkabilugan, astigmata, pilyangsupergirl, mister26, ecksome, deeactivated, kayeshutup, karaniwangbinatilyo, iamkeikulit, daldalerangmanika, misterkiddo, prinsesanibatman, ughwenz, meetdmelvinator, pinoyblogista, ejikolero, kaelbondoc, heyimellaa, kevinichiii, kapitanpinoyy, jejoisland

nahirapan ako ha. i’m also a member of PK anon. FYI

Dahil masarap ang buko pie. Bakit ba?
Grabe ang haba nang buhok ko. Good afternoon.

Dahil masarap ang buko pie. Bakit ba?

Grabe ang haba nang buhok ko. Good afternoon.

Have healthy conversations your followers

Friendly and socially active bloggers without so much notes on their posts are (in my opinion) better than the Famous but snobbish ones.

Utang mo kasi sa followers mo ang lahat ng notes at credits na binibigay sayo eh. It’s not that hindi nagsumikap ang mga “sikat” para sa libu-libong tagahanga. Pinaghirapan naman nila yun eh, pero tinulungan sila ng followers nila.

I found out na mas maganda pa pala dati nung mabibilang pa sa kamay ang sumu-sunod sa akin. Wagas ang usapan at walang tigil ang kulitan. Madalas pa nga kaming nawa-“Whoa There” dahil napakahaba talaga ng conversations. Halos lahat ng finafollow ko, nakakausap ko pa. Hindi ako natatakot na baka may magalit sa akin; konti man ang mga readers ko, alam kong solid kami. May magtatanggol sa akin. Eh ngayon? I really don’t know.

I’m not saying that increasing number of followers is a “curse”. It’s a blessing actually. Mas marami ang makikinig sa saloobin mo at mas marami kang mai-inspire. But we should always be responsible for their feelings. Kailangan kinakausap rin natin sila. Binigay nila yung follow sayo eh, hindi mo yun hiningi. You should be grateful.

Treat your followers as friends. Don’t treat them as fans. Kausapin mo sila and always be open whenever they need help. If not for them, wala ka rin naman sa kinalalagyan mong yan.

TALK TO ME PLEASE. :(

DI NGA TEH? YUNG TATAA?

DI NGA TEH? YUNG TATAA?

Ako yung tipo ng tao na walang pakialam sa itsura ng buhok niya bago umalis sa bahay.  Konting suklay, lagay ng wax, ayusin, pataasin lang ng konti… Ayun tapos na! 

Mas nagfo-focus kasi ako sa itsura ng isusuot ko at sa mukha ko. Binibigyan ko ng attention at ina-assure ko na hindi ako mukhang oil-producer ng Pilipinas.

Yes, alam ko na ang buhok ay isa sa mga pinakaimportante na parte ng itsura ng isang tao. Inaalagaan at inaayos ko naman yung akin eh. Hindi naman ako yung tipong lumalabas ng bahay na parang si Tarzan.

Hindi lang talaga ako yung tipo na oras-oras pumupunta sa banyo at ichi-check kung nagulo ang ~”hHEiirrzhtAYLeH”~ niya. Grabe daig pa celebrity? Akala mo may formal event na pupuntahan kahit wala naman. 

The meaning behind my URL

in case gusto mo malaman :)